Duterte Legacy Summit, lumarga na ngayong araw

Lumarga na ngayong araw ang Duterte Summit Legacy, o ang 2-day program ng administrasyon para ibida ang mga napagtagumpayan nito sa nakalipas na anim na taon.

Ilalahad ang mga achievements ng anim na Cabinet clusters na naka-ayon sa 10-point-socio-economic agenda ng pamahalaan.

Una nang nag-presenta ang Security, Justice, and Peace cluster sa pangunguna ni Defense Sectery Delfin Lorenzana kung saan inilahad nito ang mga nakamit ng defense sector kabilang na ang pagpapalaka sa military capabilities ng Pilipinas at kooperasyon nito sa iba pang mga bansa.

Napababa rin aniya ang terorismo at ang mga insidente ng kidnap-for-ransom.

Nagpreseta rin ang Infrastructure Development cluster na pinangunahan nina DPWH acting secretary Roger Mercado at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Inilahad ni Tugade ang status ng ilang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ni Duterte kagaya ng Metro Manila Subway.

Ibinida rin ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang mga napagtagumpayan sa finance sector at socio-economic measures kabilang na ang pagkakalagda sa ease of doing business act.

Ipinunto rin ng kalihim ang mga nakolektang pondo para sa healthcare programs mula sa sin taxes.

Kabilang na rin dito ang National ID at ang pagkakatatag ng ‘digital-only bank’ para sa mga overseas Filipinos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *