Dengue cases sa Albay, pumalo na sa 26

LEGAZPI-Pumalo na sa 26 ang bilang na kaso ng Dengue sa lalawigan ng Albay.

Ito ay base sa inilabas na tala ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

Ayon sa tanggapan, pinakamaraming naitala ang lungsod ng Legazpi na mayroong 10 kaso ng Dengue, bayan ng Daraga na may 9, Tabaco City na may 3, tig-iisa naman ang bayan ng Guinobatan, Manito, Sto Domingo at Pioduran.

Sa kabuuhang, mayroong 896 na kaso ng Dengue at tatlo ang naitalang nasawi sa Bicol Region.

Pinakamaraming naitalang Dengue ang Naga City na may 144 na kaso.

Paalala ng Doh Bicol na sundin pa rin araw araw ang 4s strategy laban sa Dengue na Search and Destroy, Self Protection Measures, Seek Early Consultation at Say No To Indiscriminate Fogging upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *