Lindol na tumama sa Pacific Ocean, maaaring may epekto sa coastal areas ng Albay

LEGAZPI-Binigyan diin ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na ang pagtama ng malakas na lindol ay walang warning o babala na maibibigay sa residente para makapaghanda ito.

Inihalimbawa nito ang naranasan kahapon nang Cordilllera Administrative Region (CAR) o sa lalawigan ng Abra na halos ikinagulat ng mga residente ang pagtama ng 7.3 magnitude na lindol.

Ayon kay Dr Cedric Daep, ang head ng Apsemo, kung ang pagtama ng lindol ay mula sa karagatan o pacific ocean ang maaaring maapektohan nito ay mga nakatira sa coastal area na magmumula sa bayan ng Tiwi, Tabaco, Malinao, Malilipot, Bacacay, Sto Domingo, Legazpi, Rapu-Rapu at Manito.

Kung sa kabilang dakong coastal area mula sa bayan ng Libon, Polangui, Oas, Ligao, at Pioduran ay sila naman maapektohan sakaling magkaroon ng nasabing kalamidad.

Dagdag pa nito, kung sa umaga ay maranasan na paglindol sa Albay posibleng kokonti lang ang maging casualty nito at mas marami rito ang pinsala sa kalsada, kabahayan at iba pa dahil sa makikita nila ang kanilang pupuntahan na lugar na ligtas Kung sa gabi ay maranasan na malakas na lindol inaasahan nito ay maraming casualty ang maitatala sa lalawigan dahil sa madilim ang lugar at walang matatakbohan ang mga tao.

Aabot sa humigit kumulang 20K katao ang posibleng maitalang casualty sa oras na magkaroon ng malakas na lindo sa Probinsya ng Albay. Paalala ng opisyal, maging handa sa anumang kalamidad upang maiwasan ang pagkasawi ng mga tao.

Gaano man ka handa ang mga residente ay maaaring mauwi sa pagkasawi ng mga ito kung ito ay natataranta sa mga gagawin. Sinabi nito, para maiwasan ay hanapin ang ligtas na lugar sakali man na magkaroon ng malakas na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *