Deniece Cornejo, Cedric Lee at 2 iba pa – guilty sa illegal detention case ni Vhong Navarro

Hinatulan na ng Taguig Regional Trial Court ng sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor at host na si Vhong Navarro.

Pinatawan ng parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang apat matapos hatulang guilty beyond unreasonable doubt.

Agad na kinansela ang bail bond ng mga akusado at hindi na pinaalis pa ng korte at committed immediately sina Raz at Cornejo na personal na dumalo sa promulgation.

Samantala, naglabas naman ng warrant of arrest ang korte laban kay Lee at Guerrero na hindi sumipot sa pagdinig.

Ipinag-utos din ng korte na pagbayarin ng danyos na aabot sa tatlondaang libong piso ang mga nahatulan para sa civil indemnity, moral damages at exemplary damages kay Navarro.

Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Navarro na nakamit na niya ang hustisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *