Partido ni PBBM na Partido Federal ng Pilipinas, naghahanda na para sa 2025 national election

Nanumpa kagabi sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos ang 33 mga bagong myembro ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na dahan-dahan na nilang pinaghahandaan ang nalalapit na 2025 national election, upang makabuo ng line bago pa man dumating ang filling period sa buwan ng Oktubre.

Bumubuo na rin ang PFP ng steering committee upang makipag ugnayan sa ibang partido tulad ng Lakas, NPC at NUP para makipag alyansa.

Mahalaga aniya na magkaisa ang kanilang mga miyembro at ang iba pang partido para sa kanilang adbokasiya na nakatuon sa pagpapaunlad, ikabubuti ng bansa, pagpapalakas ng ekonomiya, at pagbabantay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Binigyang diin pa ni Pangulong Marcos na ang ginagawa nila ay para makapag serbisyo ng mabuti sa taumbayan, lalo na’t uhaw pa rin anya ang mga tao sa pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *