DepEd Bicol, ikinadismaya ang nangyaring girian sa pagitan ng dalawang team sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024

BNFM Bicol-IKINADISMAYA naman ng pamunuan ng Department of Education o DepEd Bicol ang nangyaring girian sa pagitan ng dalawang Football team na nangyari sa gitna pa man ng mainit na laban kahapon sa Bicol University Oval.

Ayon sa DepEd Bicol, nalulungkot sila sa pangyayari sa kabila ng kanilang paulit-ulit na pagpapaalala at panawagan sa mga atletang kalahok at sa mga coach nito kaugnay ng sportsmanship at pagiging propesyunal sa kahit ano mang event sa Palarong Bicol 2024.

Pinapaimbestigahan na ng kagawaran ang pangyayari at kanilang siniguro na mabibigyan ng karampatang asistensya medical ang mga na-injured at mga sangkot sa naturang komosyon na kung saan hanggad nila na hindi na ito dapat at maaring maulit sa mga susunod na palaro.

Pinupuri din ng kagawaran ang mabilis na pagtugon ng awtoridad na tumulong sa pagtatag ng mga hakbang pangkaligtasan at seguridad bago pa man ang pagsasagawa ng Palaro. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *