Championship sa football games sa Palarong Bicol 2024, nauwi sa rambulan; ilang mga manonood, nagkasakitan din

LEGAZPI CITY – Nauwi sa rambulan ang isinagawang Men’s Division Championship Football Games sa pagitan ng Masbate City Team at Naga City Team sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024 na ginanap sa Bicol University (BU) Sports Complex kahapon.

Batay sa kuhang Facebook live, makikita na pagkatapos ng final whistle ng referee, walang iskor na nakuha ang Naga City at isang player nito ang tumakbo sa field at sinipa sa likod ang nakadapang player ng Masbate City na naging ugat ng kaguluhan.

Habang nagkakagulo sa BU Oval, isang video rin ang nakunan na maging ang ilang mga manonood ay nagkasakitan din.

Isa sa players ng Masbate ang nagtamo ng injuries na agad namang naidala sa pagamutan, habang kinukondena naman ng Department of Education Bicol at Bicol Region Athletics Association ang pangyayari at sinigurong may gagawing aksyon ukol dito.

Gayunpaman, sa kabila ng insidente, naideklara pa rin na champion sa secondary level ang Team Masbate City sa iskor na 5-0.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *