DepEd Bicol nalagpasan na ang 100% target enrollees ngayong school year; enrollment, extended hanggang Sept 30

BICOL—Umaabot na sa halos 1.7 million ang mga estudyanteng nakapag enroll sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan mula kindergarten hanggang senior high school sa Bicol region.

Ayon sa Department of Education (DepEd) Bicol, lagpas na sa 100% target enrollees ang mga nag-enroll hanggang sa huling tala kahapon, Setyembre 15.

Pumalo na ito sa kabuuang 1,699,732 o katumbas ng 101.94% enrollment kumpara noong School Year 2020-2021.

Sa 13 Schools Division Offices, pito ang nakakuha ng lagpas 100% enrollment kumpara sa nagdaang taon. Kabilang dito ang Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Ligao City, Masbate province, Masbate City at Sorsogon City Division.

Base sa tala, nasa 1,622,086 ang mga enrollees sa mga public schools, 76,318 sa private schools, 1,328 sa mga State/Local Universities and Colleges (SUCs/LUCs) na may elementary at high school departments at 14,540 sa Alternative Learning School (ALS).

Pinakamarami ang enrollees sa elementary, sinundan ng junior high school na kapwa mayroong mahigit kalahating milyon, sunod ang senior high school, kindergarten at non-graded.

Extended ang enrollment hanggang sa Setyembre 30 kung kaya positibo ang DepEd na dadami pa ang mga estudyanteng magbabalik eskwela sa kabila ng matinding krisis dulot ng pandemya.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *