DepEd, binuksan ang Early Registration period para sa SY 2024-2025

Maaari nang ilista ang mga pangalan ng mga bata sa pagbubukas ng Department of Education (DepEd) ng Early Registration period para sa School Year (SY) 2024-2025.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Undersecretary for Administration Nolasco Mempin at Assistant Secretary for Administration and Planning Service Officer-in-Charge Noel Baluyan, inatasan ng DepEd ang mga lokal na opisyal upang subaybayan ito.

Nagsimula ang Early Registration para sa mga incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners sa mga pampublikong paaralan noong Enero 27, at magtatagal hanggang Peb. 23, 2024.

Hinihikayat rin ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magsagawa ng kani-kanilang mga aktibidad sa maagang pagpaparehistro sa loob ng parehong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *