Irene Khan ng UN, binista ang mga naka-detain na aktibista sa Tacloban

Binisita ni United Nations (UN) Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan ang dalawang aktibista at isang mamamahayag na kasama sa Leyte 5 sa Tacloban City Jail.

Sa isang post sa social media, sinabi ni Khan na sila lamang ang mga dayuhang bisita na pinayagang bumisita kay Altermidya correspondent Frenchie Cumpio, Rural Missionaries of the Philippines-Eastern Visayas finance officer Marielle Domequil, at Alexander Abinguna ng Katungod Sinirangan Bisayas – Karapatan.

Sa magkahiwalay na pahayag noong Linggo, pinuri ng human rights group na Karapatan at ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagbisita ng special rapporteur, na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga nakakulong na indibidwal.

Maalalang magkahiwalay na inaresto ang lima noong 2020 dahil sa umano’y pagkakaroon ng mga baril at pampasabog sa panahon ng crackdown sa mga komunista, matapos lagdaan ang Executive Order 70, na humantong sa pagbuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

(IRENE KHAN PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *