Design Week Philippines, aarangkada simula ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang Design Week Philippines – ang natatanging design festival sa bansa na taunang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre.

Ayon sa Design Center of the Philippines, aabot sa anim na probinsya at pitong mga lungsod sa bansa ang makikiisa sa nasabing selebrasyon ngayong taon kabilang ang mga probinsya ng Rizal, Cavite, Pangasinan at mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Iloilo at Cebu.

Isasagawa sa nasabing mga lugar ang iba’t-ibang talakayan, pagsasanay, at iba pang mga aktibidad na naka sentro sa pagpapausbong ng industriya ng pag di-disenyo sa bansa na pangungunahan ng mga personalidad na kilala sa nasabing larangan.

Samantala, inaasahan namang aabot sa mahigit pitong-libong mga indibidwal ang dadalo at makikiisa sa naturang selebrasyon mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na tatagal hanggang sa darating na Oktubre 21.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *