Desisyon kung pahihintulutan ang mga Afghan refugees sa bansa, inaasahang ilalabas na sa July 15

Posibleng ilabas sa July 15 ang tugon at desisyon ng Pilipinas sa request ng US na pansamantalang pananatili ng mga Afghan refugees sa bansa habang pinoproseso ang immigration visas (SIV) ng mga ito.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, palagay niya ay magkakaroon na ng desisyon hinggil sa naturang issue pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo.

Dagdag pa nito, ang memorandum ng pagpayag o hindi pagpahayag ni Pangulong Bongbong Marcos ay inaasahang maipadadala sa Malacanang sa July 15.

Paglilinaw ni Romualdez, sakaling hindi pumayag ang Pilipinas sa hiling ng US, hindi naman daw ito makaaapekto sa bilateral relations ng dalawang bansa.//SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *