DICT, hinihimok ang mga empleyado at miyembro ng PhilHealth na magpalit ng password

Hinimok ng Department of Information and Communications Technology ang mga empleyado at miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na baguhin ang kanilang mga password sa kanilang mga online account matapos matamaan ng ransomware attack ang PhilHealth.

Ayon kay DICT Undersecretary Jefferson Dy na tiyaking mabuti na hindi kaugnay ng password ang personal na impormasyon ng empleyado kaya mungkahi niya na palitan agad ang mga ito.

Dagdag pa niya na huwag i-click ang link na sa tingin ay hindi mapagkakatiwalaan.

Matatandaan na noong Setyembre 22, ang PhilHealth ay tinamaan ng isang Medusa ransomware attack, na nag-udyok sa pansamantalang pagsasara ng mga online system ng state insurer.

Samantala, pinag aaralan na ng National Privacy Commission (NPC) kung dapat na managot ang ahensya sa cyberattack.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *