DILG, pursigido parin sa granular lockdowns sa kabila ng banta ng Delta variant

Pursigido parin ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng granular lockdowns sa halip na province- o city-wide lockdowns.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ito ay para mabalanse ang ekonomiya sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Dagdag ni Densing, ang granular lockdowns ay magsisilbi bilang preventive measure laban sa Delta variant, kasabay ng pag-asang hindi kumalat sa buong bansa, tulad sa nangyari sa ibang mga bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang taped weekly briefing na posibleng ipatupad ang mas mahigpit na restrictions para sa proteksyon ng publiko. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *