4,516 new COVID-19 infections; Active cases, nasa 46,806 pa

Naitala ng Pilipinas ang 4,516 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang total tally sa 1,517,903.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa 10 laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time.

Ayon sa Department of Health, ang mga bagong infections ay nag-udyok para tumaas ang kabuoang active cases sa bansa sa 46,806 kung saan 91.7% ang mild, 2.1% ang asymptomatic, 2.7% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang kabuoang bilang ng recoveries naman ay tumaas sa 1,444,253, matapos gumaling ang 5,240 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 26,844, matapos madagdagan ng 58 na mga bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *