Diocese of Daet naglabas ng panalangin para sa paghihintay ng bagong Obispo

CAMARINES NORTE – Naglabas ng panalangin ang Diocese of Daet para sa paghihintay ng bagong Obispo sa unang araw na ito ay naging “sede vacante” o vacant kasunod ng pagtatalaga kay Archbishop Rex Andrew Alarcon bilang bagong Arsobispo ng Caceres.

Hinihimok ang mga mananampalataya na manalangin sa panahong ito ng pananabik sa pagtatalaga sa bagong Obispo na mamumuno sa lokal na simbahan. Kasabay naman nito ay ang pagpapasalamat sa limang taong pamumuno ni Alarcon sa Diocese of Daet. Kahapon ay ay ginawa ang installation at canonical possession ni Alarcon bilang ika 5 Arsobispo ng Caceres na pinangunahan ni Papal Nuncio Archbishop Charles Brown bilang installing prelate sa Naga Metropolitan Cathedral. Matatandaan na huling naging vacant ang Daet noong 2017 sa pagkakatalaga kay Bishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Lipa. Dalawanag taon ang hinintay bago muling nagkaroon ng Obispo sa katauhan ni Alarcon na tubong Daet. Sa ngayon wala pang pahayag ang Diocese kung kailan magpupulong ang College of Consultors para maghalal ng Diocesan Administrator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *