Filing period para sa August 2024 career service exams bubuksan sa May 13

CAMARINES NORTE – Inanunisyo ng Civil Service Commission na simula sa May 13 hanggang June 13 nitong taon ay ang filing period para sa August 2024 Career Service Examinations- Pen and paper Test (CSE- PPT) para sa professional at sub professional level.

Gayunman, sinabi sa Brigada News FM Daet ni Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas na hinihintay pa nila ang advisory mula sa Regional Office hinggil sa kung ano ang magiging “manner” ng filing. Dati kasi ay gumamit ng New Normal Waitlist System (N-list) ang CSC Bicol. Hindi rin inaalis ang posibilidad na gamitin ang ginamit noong systema sa application period ng fire officer examinations.

Ang tiyak  umano sa ngayon ay magiging testing center uli ang Daet kaya dito na lang din kukuha ng exams ang mga taga Camarines Norte at hindi na kailangang lumabas ng probinsiya.  Kabilang naman sa pagbabago ngayon ay ibang form na ang gagamitin para sa professional at sub- professional level.

Ang mga interesadong applicant ay kinakailangang 18 anyos pataas sa petsa ng application at nagtataglay ng good moral character.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *