Diplomatic community sa bansa, nabahala sa pagpatay kay Cris Bunduquin

Ilang miyembro ng diplomatic community sa Pilipinas ang nagpahayag ng pagkabahala sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin.

Binigyang-diin ng United States Embassy sa Maynila ang proteksyon sa media freedom bilang “integral element” ng demokrasya.

Sa kabila ng pagkabahala, pinuri nito ang mabilis na aksyon ng mga awtoridad upang imbestigahan ang kaso at idiniin ang pahayag na inilabas ng Canadian at Netherlands Embassies, na mga co-chairs ng Media Freedom Coalition sa Pilipinas.

Nakiisa rin sa dalawang bansa sa pagkondena sa pagpatay ang Embassies ng Czech Republic, the United Kingdom, France, Japan, Germany at ng European Delegation sa Manila.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang masusing manhunt operations laban sa mga suspects na nakatakas matapos ang pagpatay sa mamamahayag.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *