DOJ, may nakikitang conspiracy sa recantations ng 10 suspek sa Degamo slay case

May nakikitang conspiracy ang Department of Justice sa paghahain ng recantation ng sampung suspek at testigo sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nagbigay ng pahayag si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kasunod ng sabay-sabay na pagbawi ng salaysay ng mga naarestong suspek.

Sinabi ni Remulla, patunay ito na may nangyayaring sabwatan para itago ang katotohanan sa nangyaring krimen.

Sa kabila nito, naniniwala ang kalihim na hindi makakaapekto sa kaso ang pag kambyo ng mga suspek dahil marami silang hawak na mga ebidensiya.

Kaugnay nito, ipinauubaya na raw ng DOJ sa korte ang desisyon sa kaso batay na rin yan sa mga ipi-presenta nilang mga ebidensiya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *