Direk ikinatuwa ang komento ni John Lloyd kaugnay sa pagpapalaki niya kay Elias

Appreciated ni Derek Ramsay ang pahayag ni John Lloyd Cruz na maganda ang ginagawang pagpapalaki niya sa anak nila ni Ellen na si Elias.

Sinabi ni Derek na palagi siyang nandyan para mahalin at protektahan si Elias na tila ba anak niya talaga ito.

Ayon kay Derek, masaya siyang lumalaking mabait na bata si Elias at marami din silang bonding moments na dalawa Katunayan kasi, madalas na kasama ng mag-asawang Derek at Ellen si Elias sa kanilang mga lakad habang madalas din nila itong kasamang matulog sa kanilang bahay.

Binigyang diin ni Derek na matalino at malambing na bata si Elias na nagpapakita na din ng interes sa paglalaro ng golf.

Samantala, “amazing wife” and wonderful mother ang pagtukoy ni Derek sa kanyang asawang si Ellen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *