Discount increase ng senior citizens at PWDs, iniapela ni Romualdez

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez para sa mas mataas na diskwento sa mga grocery items at food supplements para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD).

Ayon kay Romualdez, P65 ang pinakamataas na diskwentong nakukuha ng naturang sektor sa kanilang weekly grococeries, at kailangan na itong i-increase.

Giit ng Kongresista, hindi na akma ang halagang ito sa kasalukuyang economic climate kung saan mataas na ang cost of living.

Dapat rin aniyang isama sa mga madi-discount ang mga food supplements dahil kailangan ito ng mga matatandan at may kapansanan upang mas lumakas ang kanilang resistensya.

Dahil dito, inanunsyo ng mambabatas ang plano ng Kamara na gumawa ng Technical Working Group ngayong linggo para pag-aralan ang tukuyin kung gaano kalaki ang karagdagang discount na ipagkakaloob sa mga senior citizens at PWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *