Diskusyon para sa 2nd booster shot ng COVID vaccine, nagpapatuloy

Plano ng Department of Health na magpasa ng amended emergency use authorization (EUA) para sa adminsitration ng fourth dose ng COVID-19 vaccine.

Pero sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinatapos pa ang mga diskusyon kaugnay sa ikalawang booster shot.

Ayon kay Vergeire, ino-obserbahan pa ng All Experts Group ang inokulasyon ng ilang priority groups kasama na ang senior citizens at ang mga immunocompromised na indibidwal.

Una nang nilinaw ng isang infectious disease expert na hindi pa kinakailangan ang second booster shot ng general population.

Ipinunto ni Dr. Rontgene Solante na posible pa rin naman mahawaan ng COVID-19 ang mga bakunadong indibidwal, ngunit ang mahalaga aniya ay may proteksyon na tayo mula sa severe infection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *