80 na senior citizen sa region 2, nabigyan ng 100k assistance sa ilalim ng centenarian act

Umabot sa 80 na senior citizen sa Lambak ng Cagayan ang nakatanggap ng kanilang 100,000 pesos cash grant mula sa Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2.

Ayon sa ahensya, ang nasabing cash grant ay alinsunod sa Republic Act 10868 o centenarian Act of 2016.

Bukod dito ay nasa 99% o katumbas ng 228,867 senior citizen naman ang nabigyan ng social pension sa first quarter ng 2021.

Habang 227, 276 indigent senior citizen naman ang nabigyan sa 2nd semester ng 2021.

 Samantala, dahil naman sa nagpapatuloy na epekto ng train law ay umabot rin sa 83, 005 indigent senior citizen sa Lambak ang nakatanggap ng cash card.

Ito ay bahagi ng accomplishment ng DSWD Regional Field Office 2 sa ilalim ng strategic priority No. 1 na naglalayong mabawasan ang socio-economic impact ng pandemya dulot ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *