DMW, DFA at PH Embassy pinaghahanda na ng Senado para sa maaring repatriation sa Israel

Mariing kinondena ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang gulong dala ng pag-atake ng grupong teroristang Hamas sa Israel nitong Sabado.

Kaugnay nito, pinaghahanda na ng ilang senador ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa maaring repatriation ng mga manggagawang Pilipinong nandito.

Iminungkahi rin niya sa mga ito ang “full utilization” ng Assistance to National Funds upang matiyak ang seguridad at maayos na kalusugan ng mga ito.

Maliban pa roon, pinaghahanda na rin ni Senadora Grace Poe ang mga ito ng isang repatriation plan upang matulungan ang mga gustong magsilabas dito habang bukas pa ang border.

Giit pa ng senadora, mayroon ng nakalaang standby fund para rito.

Maalala, bumuo na ng isang subgroup ang PH Embassy upang gamitin ng mga mangangawang Pilipino sa pag-uupdate ng kanilang kalagayan sa Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *