DMW, handa nang mamahagi ng cash assistance para sa mga papauwing OFW dahil sa Israel at Hamas war

Handa na ang Department of Migrant Workers (DMW) na magbigay ng hindi bababa sa P50,000 cash assistance sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na pinauwi dahil sa patuloy na hidwaan ng Isarel-Hamas.

Manggagaling ang budget sa ₱700 milyong natitira sa ₱1.2 bilyong Urgent Care and Relief for OFWs in Need (ACTION) fund ng DMW.

Ayon kay DMW Officer in Charge Hans Cacdac, naipamahagi na ang P400 milyon sa 5,525 repatriated OFWs kabilang ang mga nagmula sa Turkey at sa Sudan.

Dagdag pa ni Cacdac, ang ipapamahaging pondo ay para sa anumang legal, medical, at humanitarian assistance, na itinalaga ng yumaong kalihim ng ahensya na si Secretary Toots Ople.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *