Disaster councils sa Bicol isinailalim sa ‘blue alert’ status para sa BSKE at Undas

Inilagay ng Office of Civil Defense ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) operation center sa ilalim ng ‘blue alert’ status bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng BSKE at Undas observance week.

Magsisimula ang blue alert status ngayong araw, Oktubre 27 hanggang Nobyembre 6, sa panahong ito, ang lahat ng DRRMC ay inaatasan na mahigpit na subaybayan at isumite ang mga ulat ng anumang mga insidente at kaganapan.

Sa ilalim ng blue alert status, ang lahat ng PDRRMC response agencies ay dapat maglagay ng kani-kanilang emergency operations center 24/7 status at magbigay ng opisyal na listahan ng mga available na asset para sa deployment.

Hinikayat naman ng OCD-Bicol Regional Director na si Claudio Yucot ang publiko na manatiling mapagbantay upang matiyak ang isang mapayapa, ligtas na pagsasagawa ng BSKE at ang pagdiriwang ng Undas o All Saints’ day at All Souls’ Day sa Nob. 1 at 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *