DOE, pinayagan na ang foreign investors na magsagawa ng exploration ng renewable energy sa PH

Pinayagan na ng Department of Energy ang mga foreign investors na magsagawa ng exploration, development, at utilization ng renewable energy resources ng bansa.

Ito ay matapos amyendahan ng ahensiya ang isang section ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Renewable Energy Act of 2008.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na nilagdaan ni Energy Secretary Raphael Lotilla noong November 15, 2022 ang Department Circular No. 2022-11-0034.

Sinabi pa ng opisyal na maraming interes ang natatanggap ang DOE kapwa mula sa lokal at dayuhang mamumuhunan sa pagpapaunlad ng renewable energy sa bansa lalo na sa offshore wind potential.

Maaari ng pumasok sa RE Service o Operating Contracts ang isang Filipino at foreign citizen o Filipino at foreign-owned corporations o associations. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *