Pinakamababang daily tally sa kaso ng COVID-19 sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, 810

Nagtala ang Pilipinas ng 810 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang daily tally sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.

Dahil dito, ang kabuoang nationwide caseload ay sumampa pa sa 4,020,965, pero bumaba ang active cases sa 18,824.

Ayon sa Department of Health, na tumaas ang total recoveries sa 18,824, habang ang death toll ay dumami pa sa 12 to 64,432.

Ang pinakamataas na bilang ng mga bagong infections sa nakalipas na 14 na araw ay namonitor sa National Capital Region sa 2,945 cases, sinundan ng Region IV-A sa 1,772; Western Visayas sa 1,413; Central Luzon sa 1,046 at Central Visayas sa 927.

Nasa 14,068 na mga indibidwal naman ang tenest para sa COVID-19 noong November 15, habang 344 laboratories ang nagsumite ng kanilang resulta. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *