DOH-4A, wala pang malinaw na ebidensya sa kaugnayan ng planta at cardio disease sa Batangas city

Wala pang nakikitang malinaw na datos at ebidensya ang Department of Health-CALABARZON para sabihing dahil sa ilang liquified natural gas power plant ang mga napaulat na kaso ng respiratory at cardiovascular disease sa ilang barangay sa Batangas City.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Dr. Voltaire Guadalupe, ang Disaster Risk Reduction and Management Unit Head ng DOH-CALABARZON, sinabi nitong batay sa paunang imbestigasyon, wala rin namang masasabing pagtaas sa kaso ng nasabing sakit.

Plano ng ahensya na muling bisitahin ang komunidad para sa karagdagan pang impormasyon.

Patuloy kasi anilang tinitingnan kung talagang may mga reklamo kaugnay sa ipinapatayong planta, kung sino ang mga nagkakasakit at ano ang kani-kanilang mga iniindang sakit.

Sinabi pa ni Dr. Guadalupe na ang liquified natural gas ay hindi karaniwang pinagmumulan ng sakit partikular dito sa bansa.

Ayon kay Guadalupe, tinitingnan din nila ang posibilidad ng seasonal variation o iba’t-ibang sanhi ng pagkakasakit ng mga tao sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *