DOH-Bicol, hinikayat ang mga hindi pa bakunado na magparehistro na lalo na ngayong bukas na ito para sa General Adult Population ng bansa

Habang patuloy na dumarating ang bakuna sa rehiyon, hinihikayat ng DOH CHD-Bicol ang lahat na Bicolano na magparehistro sa mga nakakasakop sa kanilang LGU para makasabay na sa COVID-19 vaccination.

Simula pa kasi Oktubre 8 ay binuksan na ang pagbabakuna sa Priority B o  ‘rest of adult population” (ROAP) ng bansa na kinabibilangan ng mga may edad 18-anyos pataas na hindi kabilang sa itinakdang mga priority groups.

Base sa prioritization framework ng DOH, una nang naisalang sa pagbabakuna kontra covid-19 ang mga nasa Priority A na binubuo ng mga nasa A1 hanggang A5 priority group kabilang na ang healthcare workers at expanded A1 o mga OFWs na papaalis ng bansa; mga senior citizens; indivduals with comorbidities kasama na ang mga buntis, essential workers at indigent  population.

Mababatid na una nang inihayag ng vaccine cluster sa pangunguna ni vaccine czar Secretary Charlie Galvez na mayroon nang sapat na supply ng bakuna para mas makapag accomodate ng marami.

Sa kabila nito, patuloy namang nananawagan ang DOH na bigyang prayoridad sa pagbabakuna ang mga nakatatanda at mga may sakit dahil sila ang “mas vulnerable sa malalang sintomas ng COVID-19.

Ayon pa sa ahensya, mahalaga na makatanggap ng bakuna ang publiko lalo na ngayong may banta ng mga bagong strain ng virus na mas hamak na nakakahawa.

Pinapayuhan ang mga nais magpabakuna na makipag ugnayan sa lokal na pamahalaan o di kaya naman ay magtungo sa pinakamalapit na barangay health station sa upang makapagpatala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *