Bicol region nagtala ng 247 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 41, 291 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ang 247 na karagdagang kaso sa ulat ngayong araw.

101 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 28 ang nadagdag sa Naga City, siyam sa Nabua, walo sa PIli, tigpito ang Lagonoy at Milaor, anim sa Cabusao, tig-aapat ang Calabanga, Camaligan at Iriga City, tigtatlo ang Bombon at Goa, tigdadalawa ang Canaman, Libmanan at Tigaon at tig-iisa ang Baao, Balatan, Bato, Buhi, Caramoan, Del Gallego, Magarao, Minalabac, Ocampo, Ragay, San Jose at Siruma.

Ang Albay ay nagtala ng 68 na bagong kaso kung saan 18 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 14 sa Daraga, walo sa Ligao City, pito sa Tabaco City, tig-aapat ang Guinobatan, Polangui at Sto. Domingo, tatlo sa Rapu-Rapu, tigdalawa ang Camalig at Malilipot at tig-isa ang Bacacay at Pio Duran.

Ang Catanduanes ay nagtala ng 42 na mga bagong kaso kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Bato, pito sa Virac, anim sa Caramoran, lima sa San Miguel, tig-apat ang Panganiban at San Nadres, tatlo sa Pandan, dalawa sa Bagamanoc at tig-isa ang Gigmoto at Viga.

Ang Sorsogon ay may 20 bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa Bulan, dalawa sa Casiguran at Donsol at tig-iisa ang Castilla, Juban, Magallanes at Prieto Diaz.

16 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan anim ay mula sa Daet, apat sa Talisay, dalawa sa Mercedes at tig-iisa ang Capalonga, Labo, San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena habang zero new case naman ang lalawigan ng Masbate.

Samantala, pumalo na sa 26,131 ang kabuuang bilang ng recoveries matapos magtala ng 311 na mga bagong gumaling kung saan 198 nito ay mula sa Albay, 47 sa Sorsogon, tig-10 ang Camarines Sur at Naga City, 17 sa Masbate at siyam sa Catanduanes.

Sumampa na rin sa 1,220 ang death toll matapos magtala ng 13 na mga bagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon, apat sa Camarines Sur, dalawa sa Albay at isa sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *