DOH: ‘Brand ng COVID-19 vaccine, ipapaalam pa rin sa recipients bago iturok’

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ipapaalam pa rin sa mga recipients ang brand ng COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila bago sila bakunahan. 

Ginawa ng DOH ang paglilinaw matapos sabihin ng DILG na di na iaanunsyo sa mga vaccination sites kung anong brand ng bakuna ang magiging available sa isang partikular na petsa. 

Sinabi ng mga opisyal na ang bagong istratehiya ay bahagi ng efforts para maiwasan ang overcrowding sa mga vaccination sites kagaya ng nangyari sa Maynila. 

Sinabi ng DOH na di na iaanunsyo sa publiko ang available vaccine brands at ang mga tatangging magpaturok dahil mas gusto nila ng ibang brand ay pipila na lamang ulit. 

Sinabi ni Vergeire na nagsasagawa ng “intensive” infromation campaign ang DOH para tugunan ang agam-agam sa mga COVID19 vaccines. 

Aniya, lahat ng mga bakunang available sa bansa ay magpo-protekta sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *