PRRD, nais na Pfizer COVID-19 vaccine ang iturok sa mga indigents- Palasyo

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga COVID-19 vaccine na idionante ng Pfizer-BioNTech para sa pagbabakuna sa indigent population. 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang nasabing order ay alinsunod sa kondisyong itinakda ng COVAX facility na nag-donate ng 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na idineliver sa bansa. 

Aniya, ilalagay ang Pfizer vaccines sa mga barangay na mababa ang nagpapabakuna. 

Mababatid na sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno, kasama sa A1 category ang health workers, sa A2 ang senior citizens, A3 ang mga persons with comorbidities, habang nasa A5 naman ang mga mahihirap. 

Kasali sa A4 ang mga essential workers o mga required na pumasok sa trabaho sa kabila ng quarantine restrictions. 

Batay sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), ang Pfizer ay mayroong efficacy rate na 95 percent sa study population at 92 percent sa buong lahi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *