DOH, inaprubahan na ang COVID booster shots para sa mga health workers, seniors

Inaprubahan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng booster shots at karagdagang bakuna laban sa COVID-19 para sa priority groups, sa kondisyong may sapat lang na suplay ng bakuna at naabot na ang target ng mga babakunahan.

Batay sa kanilang liham kay Duque noong Oct. 13, inirekomenda ng council na ang unang makakatanggap ng get booster shots ay ang mga healthcare workers, na gagawin sa huling tatlong buwan ng taon.

Susundan ito ng mga seniors at “eligible priority groups” sa susunod na taon.

Ang karagdagan, o third dose, ay ituturok simula ngayong taon sa mga immunocompromised individuals, pero matapos lang ang 28 araw mula nang makompleto ang initial COVID-19 vaccine series.

Samantala, hindi naman malinaw kung ang rekomendasyon ay kailangan pa ng approval mula kay Pangulong Rodrigo Duterte o sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *