DOH, isinusulong ang home vaccinations para sa mga seniors

Isinusulong ng Department of Health ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa kanilang mga bahay.

Ito umano ang nakikita nilang magandang paraan para mapalakas ang COVID-19 vaccination rates sa mga senior citizens.

Ayon kay DOH Director Beverly Ho, mula August 2, tanging 32% palang ng mga seniors sa bansa ang fully vaccinated.

Dagdag ni Ho, isa pa sa magandang istratehiya na kanilang nakikita ay ang pag-set up ng area sa barangay halls kung saan ang mga elderly people na hindi pamilyar sa teknolohiya ay makakakuha ng vaccination slot.

Mababatid na kadalasay magpaparehistro muna ang mga Pilipino sa online para makakuha ng libreng COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *