7,342 new COVID-19 infections;Active cases, nananatiling mataas sa 63k

Nagtala ang Pilipinas ng 7,342 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lalo pang lomobo ang nationwide case count sa 1,619,824.

Batay sa daily case bulletin ng Department of Health, lumalabas na mula sa kabuoang bilang ng infections, 3.9% o 63,171 ang active cases.

Ito na ang ikalawang araw ngayong linggo kung saan nananatiling mataas sa 63,100 ang active cases.

Mula sa naturang bilang, 94.1% ang mayroong mild symptoms, 2% ang severe symptoms, 1.42% ang nasa moderate condition, 1.3% ang asymptomatic at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitan nito, umakyat naman ang death toll sa 28,231 o 1.74% ng case total, matapos madagdagan ng 90 pang fatalitis, habang 7,285 ang mga bagong gumaling mula sa respiratory illness dahilan para tumaas ang total recovery count sa 1,528,422, na 94.4% ng COVID-19 tally. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *