DOH, itinangging malapit nang mag-expire mga test kits na binili ng govt

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na malapit nang mag-expire ang biniling RT-PCR test kits ng gobyerno na may anim na buwang shelf life, sa gitna ng obserbasyon ng mga mambabatas na hindi ito pasok sa required specifications para sa stock life.

Ayon sa health department, hindi nila dinisregard ang anim na buwang shelf life ng RT-PCR test kits na binili sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Maliban dito, mabilis rin umano na maubos ang kanilang stocks dahil sa pandemya, at ito rin ang ginamit ng mga COVID-19 laboratories.

Ang paliwanag ng DOH ay kasunod ng pahayag ni Senator Francis Pangilinan na batay sa inspection reports na nilagdaan ng PS-DBM, lumalabas na ang mga biniling test kits ay may anim na buwan lang na shelf life, sa kabila na ang required specification para sa stock life ay dapat 24 hanggang 36 na buwan mula sa petsa ng delivery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *