Kamara, hihilingin sa Palasyo na sertipikahan bilang urgent ang 2022 budget

Hihilingin ng House of Representatives sa MalacaƱang na icertify bilang urgent ang panukala na naglalaman ng P5.024 trillion 2022 national budget, upang maipasa umano ito sa ikatlo at huling pagbasa bago matapos ang Setyembre.

Ayon kay House appropriations committee chairman Eric Yap, sisimulan ng Mababang Kapulungan ang deliberasyon sa plenaryo para sa 2022 General Appropriations Bill (GAB) sa Lunes.

Dagdag nito, ikokonsidera ang mga amendments sa GAB sa plenary deliberations ng budget.

Sa oras na maipasa na ang pondo sa Lower House, mabibigyan na ng kapangyarihan ang Senado na pagdesisyunan ang panukala.

Mababatid na ang 2022 GAB ay kailangan maaprubahan ng Kongreso at malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon upang maiwasan ang reenacted budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *