DOH: PH nasa low, minimal risk case classification na para sa COVID-19

Ibinahagi ng Department of Health na nasa low at minimal risk case classification na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas para sa COVID-19.

Ayon kay Health Epidemiology Bureau Dir. Dr. Alethea de Guzman, nasa low-risk case classification ang bansa na may average daily attack rate (ADAR) na 1.02 per 100,000 individuals.

Sa ngayon, mayroon nalang 21.85% na bed utilization ang bansa, mechanical ventilator utilization rate na 16.50%, at ICU utilization rate na 26.57%.

Sinabi rin ni De Guzman na ang critical cases sa confirmed admissions ay tila nanatili, habang ang severe cases ay nagsimula nang bumaba.

Dagdag ng opisyal, bumaba na rin ang average ng daily cases mula November 23 hanggang November 29, mula sa nakaraang linggo na 896 cases. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *