DOH sa publiko: Panatilihin ang ‘family bubble’

Muling pinayuhan ng Department of Health ang publiko na iwasan ang pagsasagawa ng pagtitipon kasama ang mga tao na nasa labas ng kanilang “home bubble” kahit pa umano ang mga ito ay fully vaccinated laban sa COVID-19, dahil sa banta ng coronavirus variants.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batid naman ng lahat na kahit fully vaccinated na ang isang tao ay maari parin itong mahawa ng virus.

Maliban dito, kailangan paring sumunod ang mga inoculated individuals sa health protocols.

Giit ni Vergeire, ang mga variants ang naging “major factor” sa likod ng pagsipa ng infections, na naging dahilan para tukuyin ang buong Pilipinas na “high risk” para sa COVID-19.

At para mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit, binigyang diin ng health official ang kahalagahan ng vaccination, early case detection, prompt isolation, strengthened healthcare capacity, at compliance ng publiko sa protocols. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *