DOJ, hinihintay ang isa pang posibleng warrant of arrest laban kay Quiboloy

Inaabangan ng Department of Justice (DOJ) ang panibagong warrant of arrest laban sa pinuno at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy para sa hiwalay na kaso ng qualified human trafficking.

Inihain ng DOJ ang kaso sa korte ng Pasig City kasunod ng resolusyong ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Marso na nagpabaligtad sa pagbasura ng Davao City Prosecutors Office sa mga kaso ng panggagahasa, qualified human trafficking, at child abuse laban kay Quiboloy.

Kamakailan ay naglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court laban kay Quiboloy dahil sa child abuse.

Nabatid na nitong weekend, nagsalita NA si Quiboloy at inihayag ang mga kondisyon para sa kanyang pagsuko, kabilang na ang written guarantees mula kay na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Boying Remulla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *