DOJ spox Clavano, humingi ng paumanhin dahil sa pahayag na dating pulis daw si Bantag

Nag-‘apologize’ si Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV sa naging pahayag nito na si dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Q. Bantag ay naging miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Clavano na humihingi siya ng paumanhin sa naidulot na pagkalito ng binitawan niyang pahayag.

Nais aniyang linawin na si Bantag ay hindi nagsilbi bilang PNP, kung ‘di nag-graduate mula sa Philippine National Police Academy.

Mababatid na nag-isyu na rin ng statement si PNP Chief Information Officer Brig. Gen. Redrico Maranan na ang dating BuCor chief ay hindi naging miyembro ng kanilang hanay.

Kung maaalala, inihayag ng DOJ Assistant Secretary noong Martes na nakaiiwas si Bantag sa pagkakaaresto dahil dati itong police officer na posibleng may network sa loob ng PNP. //SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *