Dominic Roque, wallpaper pa rin si Bea Alonzo

Nabuking ang aktor na si Dominic Roque matapos mag selfie at makita ang kanyang wallpaper sa cellphone.

Kita kasi sa kanyang phone na si Bea Alonzo pa rin ang nakalagay sa wallpaper nito, na nakatanggap naman ng sari-saring reaction mula sa mga netizens.

Anila, baka nagpapa-pansin lang si Dominic dahil unti-unti nang nawawala ang kanilang pangalan sa mga tabloids!

Nagpapa-awa effect rin daw ito para siya ang panigan ng publiko matapos ang kanilang hiwalayan.

Ngunit nabatid na may mga bali-balitang nagkaayos na ang dalawa, kaya’t baka isa na ito sa mga senyales na muli nilang iaanunsyo na itutuloy na ang kanilang kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *