Don Everly ng Everly Brothers duo, pumanaw sa edad 84

Pumanaw na ang kilalang mang-aawit na si Don Everly mula sa kilalang Everly Brothers duo.

Naiulat ang pagkamatay ni Don nitong linggo.

Si Don at ang kapatid nitong si Phil ay nakilala sa mga chart toppings hits tungkol sa teen romance noong panahong 1950’s at 60’ na naka-impluwensiya din sa mga kilalang grupo tulad ng The Beatles at Simon and Garfunkel.

Ayon sa opisyal na pahayag ng miyembro ng pamilya, pumanaw si Don noon lamang Sabado sa kanyang tahanan sa Nashville Tennessee.

Sumikat ang kantang “Wake up Little Susie” at “Bye Bye Love” kasama ang kanyang kapatid na pumanaw noong 2014 sa edad 74.

Ayon sa The New York times, mailalarawan nila ang boses ng magkapatid bilang “dipped in country sugar” at ang Everly Brothers ay parang mga anghel na umaawit.

Masasabing mas malakas ang Everly brothers kaysa kay Elvis Presley na may emerging sound na “Fifties rock & roll”. Mailalagay umano sa listahan No. 33 ang mag kapatid sa “100 Greatest Artists” pahayag ng Rolling Stone Magazine

Matatandaang ang kasikatan ng Everly’s ay naglaho noong 1960’s sa gitna ng pagdating ng ‘guitar-driven’ rock and roll.

Maliban pa dito nagka-problema din ang magkapatid sa droga.

Sa kabila ng paghiwalay ng Everly Brothers ng mahigit 10 taon napatunayan ng mga ito na ang kanilang musika ay maituturing na ‘timeless’. (VANESSA FERNANDEZ – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *