Donaire, sumailalim sa drug test bago ang Inoue fight

Muling sumailalim si WBC bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa drug testing na ginawa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA), sa gitna ng kanyang pahahanda para sa kanyang rematch laban kay Japanese boxing star Naoya Inoue.

Ang VADA ang gumagawa ng random testing anumang oras sa loob ng walong linggo bago ang laban, sa discretion ng kanilang association.

Ang 39-anyos na si Donaire ay nakatakdang makaharap si Inoue para sa title unification bout sa Tokyo, Japan sa June 7.

Matatandaan na ang dalawang ay unang nagharap noong 2019 sa isang thrilling match para sa Muhammad Ali trophy sa World Boxing Super Series, kung saan si Inoue ang nanalo sa laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *