Halos kalahati ng Ukraine ‘polluted’ ng Russian explosives—Kyiv

Inihayag ng isang senior official ng Kyiv na halos kalahati ng teritoryo ng Ukraine ay kontaminado na ng mga pampasabog, na bahagi ng giyera ng Russia laban sa kanilang kapitbahay na bansa.

Hindi naman agad maberipika ang naturang pahayag ni Deputy Interior Minister Yevgen Yenin.

Ayon kay Yenin, na nasa 300 explosive devices ang nadeactivate ng Ukrainian specialists, simula nang magsimula ang giyera noong February 24, at isang aerial bomb.

Kaugnay nito, na-clear rin ng mga ito ang nasa 14 na ektaryang teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *