Donald Trump, nais talunin si Nikki Haley sa Republican nomination

Nais talunin nang husto ni Donald Trump ang natitira niyang karibal para sa Republican presidential nomination na si Nikki Haley.

Aniya, hindi lang niya gusto manalo sa New Hampshire, kung hindi pati na rin Sa South Carolina, na gaganapin ang primary election sa susunod na buwan.

Mas lalong lumakas ang loob ni Trump nang kompyansang sabihin ni Haley na mananalo siya dahil umatras na ang isa pang Republican contender na si Florida Governor Ron DeSantis.

Maalalang opisyal nang iniinedorso ni DeSantis si Trump sa pagkapangulo sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa Republican nomination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *