DOST Bicol, binigyang diin ang magandang resulta ng clinical trial sa VCO vs COVID-19 ngunit publiko pinag-iingat sa pagbili ng hindi rehistradong VCO

NAGA CITY- Namamahagi na ng libreng virgin coconut oil (VCO) sa Level 1 hospitals si Cabinet Secretary Karlo Nograles, ayon dito nagdesisyon siyang mamahagi ng libreng matapos komonsulta sa Deparment of Science and Technology (DOST), mga doktor at eksperto na nagsabing ang VCO ay may posibleng benepisyo para sa mga COVID-19 patients na mayroong mild symptoms.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DOST-Bicol Regional Director Rommel Serrano, sinabing nakasaad sa resulta ng clinical trial na epektibo talaga ang VCO sa mga may COVID-19 mild symptoms.  Sa mga may comorbidities, epektibo rin kapag mild cases.

Subalit hindi pwede ang self-medication, doktor pa rin aniya ang makakapagsabi ng tamang dosage.

Nagbabala naman si Serrano sa publiko na mag-ingat sa mga ibinibentang hindi rehistradong VCO. Ang tamang pag extract aniya ng VCO ay may nararapat na proseso, temperatura at kalinisan. Kailangan aniya may tamang label at aprubado ng Food and Drugs Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *