DOTr, bumuo ng IATF na titiyak sa seguridad ng publiko matapos makatanggap ng bomb threat sa MRT-3

Binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na prayoridad nila ang kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Kaugnay nito, matapos makatanggap ng bomb threat mula sa e-mail ay agad silang bumuo ng Inter-Agency Task Force na kinabibilangan ng Department of Transportation (DOTr) Office for Transportation Security (OTS), Department of Information and Communications Tehnology (DICT) Cybercrime Investigation and Coordinating Center, Philippine National Police (PNP) at Railway Security.

Layunin ng nasabing IATF na makapag-deploy ng mga taong magbabantay sa kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT)-3.

Pinaalalahanan naman din ng awtoridad ang publiko na itigil na ang pagpapakalat at pagbabahagi ng mga maling impormasyon upang maiwasan ang panic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *