Mga imahe nina Inang Peñafrancia at El Divino Rostro, maagang nakarating sa Cathedral pero ang manto ni ina nagkaroon ng punit

NAGA CITY- Maagang nakarating sa Metropolitan Naga Cathedral ang mga imahe ni Inang Peñafrancia at El Divino Rostro.

Inihatid ang mga ito ng mala dagat na mga deboto, mga voyadores maging ng mga uniformed personnel mula sa Peñafrancia Shrine. Pasado alas 3:20 nang hapon unang ilabas sa Plaza De Covarrubias ang estandarte ni El Divino Rostro, sinalubong ng mga voyador na sumasampa upang makahawak sa imahen, nakita ang halos paglangoy ng ilan sa mga ito sa ulo ng mga kapwa voyadores na isa nga natanggalan na ng suot na pang-ibaba. Nang mayroon nang distansya, inilabas na rin bandang alas 3:54 ang image ni Ina.

Nahirapang makapasok ang mga voyador sa layer ng mga nakakadenang kamay ng mga pulis. Nang umabante pa sa Peñafrancia Avenue, doon na nagsipag akyatan sa andas ang mga voyadores. Sa parte ng Camarines Sur National High School sa Peñafrancia Avenue, hindi sinasadyang napunit ang ibabang parte o ang tassel ng manto, nakapitan ito ng voyador noong nalalaglag siya. Sa post ng isang official documentor na nakakuha ng video ng pangyayari, sinabing humingi ng paumanhin ang voyador, estudyante na taun-taon namamanata. Nawa’y magsilbi aniya itong aral sa lahat.

Sa kabila ng mga nangyaring ito minuto bago ang alas-5 ng hapon nang mapayapang nakarating sa Cathedral ang Holy Face , o El Divino Rostro at 5:30 naman dumating si Ina, ang Reyna ng Bicolandia. Dati rati pasado alas sais na dumarating sa Cathedra kung saan naghihintay ang libo-libong mga deboto.

Viva El Divino Rostro, Viva La Virgen!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *